Sabi Ng Lola - Halfway Point

Sabi ng lola
'Wag sumuko kahit ubos na
Dahil ang bagyo'y natatapos
Pero ang pag-asa, hanggang sa dulo

Oh, sabi ng lola
Huwag papatol sa panghuhusga
Kahit hindi ka paniwalaan
Basta't alam mo ang katotohanan

Ang dami na nangyari
Sana maisip mo ako
Lahat ng pinayo
Naging gabay sa puso ko

Oh, sabi ng lola
"Apo, ikaw ang aking tagumpay"
"Kaya 'wag sayangin ang 'yong buhay"
"'Wag isuko sa kaaway"

Balang araw, pagbibigyan pa
At mayayakap kang muli
Muling maging bata
Nang maligaya sa iyong piling

Ooh, ooh, ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh, ooh, ooh

At kahit nasasaktan ka
'Wag mong itigil ang kanta
'Pagkat ang 'yong istorya
Ay nagbibigay ng pag-asa



Credits
Writer(s): Moira Dela Torre, Jason Marvin Hernandez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link