wag mong paasahin

Ilang pagkakataon na ang aking ibinigay sa 'yo
Puti na ang mga mata kakahintay sa mga pangako
Hindi matupad mga nilahad, saan napadpad?
Tila nilipad sa papawirin ang tanging hangad

'Wag mong pa-aasihin kung 'di rin tapat (tapat, tapat)
'Wag mong aakuin kung 'di rin sapat (sapat, sapat)
'Wag mong paglaruan ang puso't damdamin kong nasaktan
'Wag mong ibigin ang mga bagay na gawa-gawa lang ng 'yong imahinasyon

Ilang panahon mo na ba sinayang ang pagkakataon?
Pagod na mga paa kakahabol sa mga pangako
Hindi matupad mga nilahad, saan napadpad?
Tila nilipad sa papawirin ang tanging hangad

'Wag mong pa-aasahin kung 'di rin tapat (tapat, tapat)
'Wag mong aakuhin kung 'di rin sapat (sapat, sapat)
'Wag mong paglaruan ang puso't damdamin kong nasaktan
'Wag mong ibigin ang mga bagay na gawa-gawa lang ng 'yong imahinasyon

Oh-oh-oh-oh, oh-oh
Naguguluhan ang aking isipan sa nararamdaman

'Wag mong paasahin alam mo naman (sayo lamang)
Sa 'yo lang ang puso't wala ng iba
'Wag mong paglaruan, oh, dahil pagod na akong masaktan
'Wag mong bitawan, iwan, at ating ilaban
At gagawin ng totoo ang laman ng 'yong imahinasyon



Credits
Writer(s): Drei Rana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link