Aawit Kang Muli - From "Still": A Viu Original Musical Narrative Series

Madilim ang mundo
Ang mga anino'y
Nananahan sa 'yong puso

Tigib ang gabi
Ng mga sandaling
'Di na mababahagi sa 'yo

Alaala't mga tanong
Na 'di na masasagot
Paulit
Ng ulit
Ng ulit
Ng ulit
Lilipas pa ba ito?

Hingang malalim
Hingang malalim
Ang paano't bakit,
Damhin
Ito ba ay lilipas din?

Dahan-dahan,
Unti-unti,
Liwanag sasapit din
Damhin ang sakit
Nang muling marinig
Ang nawawalang himig
Aawit muli
Aawit muli

Ang paano't bakit,
Ito ay lilipas
At ikaw ay
Aawit muli
Aawit muli

Ang takot, galit,
Lahat ng pait,
Dalamhati't sakit
Huwag ikubli
Hingang malalim at damhin

Aawit kang muli



Credits
Writer(s): Matthew Chang, Mike Shimamoto, Nica Del Rosario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link