Lagi

One, two, three, four

Ikaw agad ang bungad ng magandang umaga
Hindi kumpleto ang araw 'pag 'di kita kasama
Okay lang, nandito lang ako na laging nakaabang
Kahit na magdamag, oh

Eh, ano naman kung ilang oras ang masayang
'Di naman ako manghihinayang
Handa akong magbabad, makasama ka lang
Ayos lang kahit gabihin pa 'ko kakatingin

Dahil 'di ka nakakasawang tingnan
Pagmasdan ang 'yong mga mata, whoa, whoa, whoa
Susundan, susundan sa'n man magpunta, whoa

Basta't ngumiti ka lang palagi, lagi, lagi
Oh, laging ngumiti ka lang sa akin, akin, akin palagi
Ngumiti ka lang palagi, lagi, lagi
Oh, laging ngumiti ka lang palagi, yeah

Alam mo ba mula nu'ng dumating ka
Bumalik 'yong nawala kong sigla?
Ikaw ang naglagay ng tamis
Inalis ang pait sa masama kong timpla
Sa buong buhay ko
Ngayon ko lang naranasan ang saya ng mundo
Kasi dahil sa 'yo, yeah

Eh, ano naman kung ilang oras ang masayang
'Di naman ako manghihinayang
Handa akong magbabad, makasama ka lang
Ayos lang kahit gabihin pa 'ko kakatingin

Dahil 'di ka nakakasawang tingnan
Pagmasdan ang 'yong mga mata, whoa, whoa, whoa
Susundan, susundan sa'n man magpunta, whoa

Basta't ngumiti ka lang palagi, lagi, lagi
Oh, laging ngumiti ka lang sa akin, akin, akin palagi
Ngumiti ka lang palagi, lagi, lagi
Oh, laging ngumiti ka lang palagi, yeah, yeah, yeah



Credits
Writer(s): Daryl Ruiz, Daniel Tuazon, Kemuel Cado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link