Sugal

Sa t'wing sa 'yo'y nakatingin
Parang wala nang kulang
Mas maganda ka kay Paraluman

Basag na puso'y pupulutin
Handa muling ialay
Pintong nakakandado'y bubuksan

Pero 'di maiwasang isipin na
Mawawala ka rin sa 'kin
'Pag pumanaw na ang damdamin
Nasanay na 'ko sa ganyan

Tanging hiling ko lang naman na 'tong huling pag-ibig
Tumagal hanggang huli
Sana'y tunay na lahat ng nangyayari
'Di na iiyak tulad ng dati

'Di na magsisimulang muli
Haharapin natin lahat ng darating
Sa muli kong pagsugal (sugal sa 'yo)
Sana'y hindi mo na hayaan pang 'di magwagi

Sa 'yo, whoa-oh, oh-oh
Sa 'yo, whoa-oh, oh-oh
Sa 'yo, whoa-oh, oh-oh

Nakakahawa mong ngiti (yeah, yeah, yeah, yeah)
Sulyap mong may gayuma
Hanggang huling hinga'y 'di magsasawa

Mundo't ang ilog ma'y tumigil (tumigil na)
Bahaghari ma'y wala na (bahaghari ma'y wala na)
Tayo'y mananatiling iisa

Pero 'di maiwasang isipin na
Mawawala ka rin sa 'kin (yeah, yeah, yeah)
'Pag pumanaw na ang dadamin
Nasanay na 'ko sa ganyan

I love you

Tanging hiling ko lang naman na 'tong huling pag-ibig
Tumagal hanggang huli
Sana'y tunay na lahat ng nangyayari
'Di na iiyak tulad ng dati

'Di na magsisimulang muli
Haharapin natin lahat ng darating
Sa muli kong pagsugal (sugal sa 'yo)
Sana'y hindi mo na hayaan pang 'di magwagi

Tanging hiling ko lang naman na 'tong huling pag-ibig
Tumagal hanggang huli (ah, yeah, yeah)
Sana'y tunay na lahat ng nangyayari (oh)
'Di na iiyak tulad ng dati

'Di na magsisimulang muli
Haharapin natin lahat ng darating
Sa muli kong pagsugal (sugal sa 'yo)
Sana'y hindi mo na hayaan pang 'di magwagi



Credits
Writer(s): Tim Dionela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link