Anthem ng masayahin

Ayaw mo sa akin, 'di ayaw ko rin sayo
'Di ka naman kawalan mas malupit ako sayo
Masaya ako kahit na mag-isa
Tawanan mo ang buhay, 'wag mabalisa
Tawanan mo ang buhay
Tawanan mo ang buhay

Kahit na ayaw mo ako
'Di ako magagalit sayo
Salamat pa rin at ikaw ay nakilala
Nagkataon lang na iba iyong akala
Sa akin, 'Di ako mahangin
Subukan mo akong kilalanin
Kapag ayaw mo pa rin sa akin
Ayos lang 'di ko pipilitin
Pwede mo pa rin ako na maging kaibigan
Gusto ko lahat tayo andito sa kainan
Kung merong problema lika at ating pag-usapan
Pero 'wag na tangkain na ako ay pahirapan

Ayaw mo sa akin, 'di ayaw ko rin sayo
'Di ka naman kawalan mas malupit ako sayo
Masaya ako kahit na mag-isa
Tawanan mo ang buhay, 'wag mabalisa
Tawanan mo ang buhay
Tawanan mo ang buhay

Di naman na sa ako mas malupit
Gusto ko lang bigyang diin aking kulit
'Di lahat ng negatibo ay seryoso
Ang karamihan diyan nanggaling din sa ulo
'Wag hayaan sa pag-gising mo
Na hindi nagpapasalamat kasi nga andito ka ulit
Ang buhay para bang roletang pwede mong baguhin
Sa pamamagitan ng pag-ikot mo ulit
Salamat buhay may tiyansa pa akong maging ako na tunay
Isisigaw pagsubok lamang to

Ayaw mo sa akin, 'di ayaw ko rin sayo
'Di ka naman kawalan mas malupit ako sayo
Masaya ako kahit na mag-isa
Tawanan mo ang buhay, 'wag mabalisa
Tawanan mo ang buhay
Tawanan mo ang buhay



Credits
Writer(s): Marq Mutia Aljo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link