Hwag

'Wag kang lumapit
'Di na kita kayang harapin
Ayokong magbitiw ng mga salita
Na pagsisisihan natin

'Wag mo 'kong yakapin
Hindi na kita nararamdaman
Ayokong isipin pa
Ang mga pangyayari

Mahal mo ba siya?
Lumisan ka na

Malamig na gabi (malamig na gabi)
Naaalala ka pa rin (naaalala ka pa rin)
Naiisip ka sa dilim (naiisip ka sa dilim)
Nag-iisang nakatingin (nag-iisang nakatingin)
Sa mga larawan natin

'Wag nang umasa
Dahil hindi na siya babalik
Paano malilimutan ang
Masamang panaginip?

'Wag nang isipin
Nasasaktan lang ang damdamin
Hindi nalulunod ang pait at hapdi
Ng alak sa aking tabi

Mahal mo ba siya?
Lumisan ka na

Malamig na gabi (malamig na gabi)
Naaalala ka pa rin (naaalala ka pa rin)
Naiisip ka sa dilim (naiisip ka sa dilim)
Nag-iisang nakatingin (nag-iisang nakatingin)
Sa mga larawan natin

Oh

Malamig na gabi (malamig na gabi)
Naaalala ka pa rin (naaalala ka pa rin)
Naiisip ka sa dilim (naiisip ka sa dilim)
Nag-iisang nakatingin (nag-iisang nakatingin)
Sa mga larawan natin

Larawan natin (oh)

Malamig na gabi
Naaalala ka pa rin
Naiisip sa dilim
Nag-iisang nakatingin

Malamig na gabi (oh)
Naaalala ka pa rin (oh)
Naiisip sa dilim



Credits
Writer(s): Marlon Dejadina
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link