Umaasa Lang Sa'yo

'Di ko alam ang mararamdaman
Nang mawala ka at ako'y nag-iisa
Hanggang ngayon, 'di ka nawawala
Dito sa isip ko, ika'y mahalaga

Ngunit paano na lang ako
Kung mawawalay ka lang?
Dinggin mo ako
Nagsusumamo sa iyo

Muli mong pagbigyan ang puso kong ito
Naghihintay na maalala mong para lang sa 'yo ang pag-ibig ko
Nasa'n ka man, sana ay maramdaman
Ako'y nandirito, umaasa lang sa 'yo

Kahit saan ako mapunta
Alaala mo'y hindi nawawala
Nais ko mang ika'y mahagkan
Sa panaginip ko na lang malalaman

Ngunit paano na lang ako
Kung mawawalay ka lang?
Dinggin mo ako
Nagsusumamo sa iyo, ooh

Muli mong pagbigyan ang puso kong ito
Naghihintay na maalala mong para lang sa 'yo ang pag-ibig ko
Nasa'n ka man, sana ay maramdaman
Ako'y nandirito at umaasa lang sa 'yo

Muli mong pagbigyan ang puso kong ito
Naghihintay na maalala mong para lang sa 'yo ang pag-ibig ko
Nasa'n ka man, sana ay maramdaman
Ako'y nandirito, umaasa lang sa 'yo

Ta-ra-ra-ra
Ta-ra-ra-ra-ra-ra-ra



Credits
Writer(s): Cantong Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link