Tayo Laban Sa Mundo

Kita ko ang lungkot sayong mga mata
Na pilit mong tinatago ng kunwaring saya
Naiintindihan kita, nasaktan ka nila
Ngunit ang pag-ibig ko sayo ay iba

Papawiin lahat ng sakit
At iibigin ka ng walang kapalit

Habang hagkan kita
Aalisin ang 'yong takot at pag-aalala
At pangako na di ka na mag-iisa
Sa mga yakap ko
Aalagaan ang puso mo
Wala ng iba ikaw lang at ako
Tayo laban sa mundo

Alam kong pagod na ang puso mo
Na sumugal at mabigo
Ngunit asahan mong ako'y di maglalaho
Mga luha mo ay pupunasan
At bubuohin lahat ng nagkulang
Ako'y nandito lang, hanggang walang hanggan

Papawiin lahat ng sakit
At iibigin ka ng walang kapalit

Habang hagkan kita
Aalisin ang 'yong takot at pagaalala
At pangako na di ka na mag-iisa
Sa mga yakap ko
Aalagaan ang puso mo
Wala ng iba ikaw lang at ako
Tayo laban sa mundo



Credits
Writer(s): Stephanie Razado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link