Tayong Dalwa

Asan kana kaya
Di mo manlang ba naaalala
Ang puting rosas
At ang gintong bukas

Na pangako natin sa isa't isa

Tuloy tuloy ang pagbabago
Paglipas ng panahon, ng ating puso
Ang huling tanda
Ay kasama ka

Magkahawak kamay tayong dalwa

Para kang isang panaginip
Patuloy na gumugulo sa isip ko
Oh, oh, oh, oh

Para bang hindi makatakas
Wala na bang ititigas yang puso mo?
Oh, oh, oh, oh

Tanggapin na
Wala na't ala ala nalang tayong dalwa

Asan kana kaya
Sana ay okay ka at masaya
Sa bago mong landas, at sayong bukas

Na dating pangako natin sa isa't isa

Tuloy tuloy ang pagbabago
Paglipas ng panahon, ng ating puso
Ang huling tanda
Ay ang pagbabaga

Nang mag hawak kamay tayong dalwa

Para kang isang panaginip
Patuloy na gumugulo sa isip ko
Oh, oh, oh, oh

Para bang hindi makatakas
Wala na bang ititigas yang puso mo?
Oh, oh, oh, oh

Tanggapin na
Wala na't ala ala nalang tayong dalwa
Naglalayag na
Wala na't ala ala nalang tayong dalwa

Klaro pa sa aking pag-iisip
Kasiyahan at mga hinagpis
(Ko)
Tayong dalwa

Para bang isang panaginip
Nang magising ako sa katotohanan
Sating' dalwa

Asan kana kaya
Kung babalik ka man at magmamakaawa
Ay pasensya na
Tama na

Siguro nga'y tapos na tayong dalwa

Dati kang isang panaginip
Di mo na magugulo ang isip ko
Oh, oh, oh, oh

Ngayon ako naman ang lalaya
Paalam na sayo, at ng puso mo
Oh, oh, oh, oh

Tanggap ko na
Wala na't ala ala nalang tayong dalwa
Naglalayag na
Wala na't ala ala nalang tayong dalwa

Paalam na
Wala na't ala ala nalang tayong dalwa
Naglalayag na
Wala na't ala ala nalang tayong dalwa



Credits
Writer(s): Asher Aguilon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link