Pantasya

Dilim ay sumapit na
Nilabas na ang serbesa
Kasama ang barkadang
Malasing hanggang umaga

Nanlilisik ang mata
Nag-aayang sumama sa
Malademonyong tawag ng laman nila

At ako'y humiyaw
Pinilit umayaw
Hindi ako halamang ligaw
Na basta-basta na lang durungisan ng
Mapapanghing sandata

Panaghoy at sigaw
Ako'y 'di makagalaw
'Di ko kinakaya ang mabahong singaw
Ng kaluluwang pinagkatiwalaan
Ngayo'y nababalot ng pantasya

Suot daw ang problema
'Di maiwasan ang titig niya
Aba, nakakasawa
Pare-pareho na lang ba? (Pare-pareho na lang ba?)

Sa bawat paghinga
Galit ang nadarama
At ang tanging inaasam ay
Makalaya na

At ako'y humiyaw
Pinilit umayaw
Hindi ako halamang ligaw
Na basta-basta na lang durungisan ng
Mapapanghing sandata

Panaghoy at sigaw
Ako'y 'di makagalaw
'Di ko kinakaya ang mabahong singaw
Ng kaluluwang pinagkatiwalaan
Ngayo'y nababalot ng
Pantasya

Ng pantasya

Oohh ng pantasya
Oohh ng pantasya
Oohhh oohhh



Credits
Writer(s): Eunice Barriga
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link