Maligaya

Nanatili sa kanyang alaala, mga dahon na pakalat-kalat
Sa paligid ng gusali ng kanilang paaralan tuwing taglagas

Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan

Oh-ooh-ooh-whoa, ooh
Whoa-oh, oh

Maligaya ang pangalan ng dakong pinagmulan ng kahit minsan
Kabalintunaan ang mga siglaw na pinagtabi sa 'yong isipan

Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan
Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan

Whoa-oh, ooh-whoa, ooh
Whoa-oh, oh

Tamis at pait ang naidudulot ng pagbabalik-tanaw
Ngunit bawat taon ay may naiaambag sa kabuuan ng ikaw
Tamis at pait ang naidudulot ng pagbabalik-tanaw
Ngunit bawat taon ay may naiaambag sa kabuuan ng ikaw, ooh-ooh-ooh



Credits
Writer(s): Adj Jiao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link