Paskong Kayakap Ka

Ngayong pasko, dalangin ko
Katulad dati kasama 'pag Noche Buena
Tanging hiling, ang aking dalangin
Ang paskong kayakap ka

Ngayon, hindi kita kasama't kay lamig
Nasanay nang kayakap ka sa gabi
Hahanapin ka sa umaga pagising
Sa hamog ng hangin

Sa mga butuin nakatingin
Ngayong malayo ka sa'kin
Ang kalangitang nagniningning
Maglalapit sa atin

Ngayong gabi ay magkapiling
Sa ilalim ng liwanag ng bituin

Pinakahihintay natin ang kapaskohan
Taon-taon kay dami ng pinagsamahan
Nakakapanibago, walang katuwang sa paghanda
Sanay akong nandito ka

Ngayon, hindi kita kasama't kay lamig
Nasanay nang kayakap ka sa gabi
Hahanapin ka sa umaga paggising
Sa hamog ng hangin

Sa mga bituin nakatingin
Ngayong malayo ka sa'kin
Ang kalangitang nagniningning
Maglalapit sa atin

Ngayong gabi ay magkapiling
Sa ilalim ng liwanag ng bituin

Ngayon, hindi kita kasama't kay lamig
Nasanay nang kayakap ka sa gabi
Hahanapin ka sa umaga paggising
Sa hamog ng hangin

Sa mga bituin nakatingin
Ngayong malayo ka sa'kin
Ang kalangitang nagniningning
Maglalapit sa atin

Ngayong gabi ay magkapiling
Sa ilalalim ng liwanag ng bituin

Ngayong pasko, dalangin ko
Katulad dati, kasama ka 'pag Noche Buena
Tanging hiling, ang aking dalangin
Ang paskong kayakap ka



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link