Bukas Makalawa

Madilim ang araw
Ang daan ay tila walang hangganan
Kung walang gabay, kailan kaya makakauwi?

Sa buhay na bangungot
Ginapos ang puso't isip
'Di makapiglas, dinggin ang aking tangis

Bukas makalawa, sana bukas makawala
Sa pasaning binuhat mag-isa
Sana bukas makawala

Ah-ooh, ah-ah-ooh, ah-ah-ooh
Ah-ooh, ah-ah-ooh, ah-ah-oh

Ano ang katotohanan?
Sino ang paniniwalaan?
Ano'ng mapapala sa aking hinagpis?

Bawat hakbang papalapit
Ay dal'wang hakbang papalayo
Paulit-ulit lang, pagbubuntong-hininga

Bukas makalawa, sana bukas makawala
Sa eksenang nakabisa
Sana bukas makawala

Ah-ooh, ah-ah-ooh, ah-ah-ooh
Ah-ooh, ah-ah-ooh, ah-ah-oh

Oh-oh-oh-oh

Bawat pasanin, ilalatag (sa 'yong paanan)
Saliw ng 'yong pag-ibig ay aking
Oh, aking, aking
Oh, aking sasabayan

Bukas makalawa
Bukas makakawala



Credits
Writer(s): Adj Jiao, John Owen Castro, Jolo Ferrer, Josh Tumaliuan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link