WALANG KATULAD

Ano ang hiwaga ng Iyong pagmamahal
At itinadhana na ako'y maging banal
Sa bawat panalangin at pag-aalala
Ang sabi Mo sa'kin Ikaw na ang bahala

Ano bang nagawa ko
Para maging karapat-dapat
Sa Iyong pagmamahal na
Walang katulad

Hirap man isipin at maintindihan
Payapang damdamin, at 'di naiilang
Sa daming tanong man, ako ay panatag
Ang tanging kanlungan, nagpapasalamat

Ano bang nagawa ko
Para maging karapat-dapat
Sa Iyong pagmamahal na
Walang katulad

Para lamang hangin yan
Sa ihip ay alam ko lamang
Di pa man nakikita
Ay dama sa aking bawat paghinga

Noon pa mang nakaraan
Ngayon at sa kinabukasan
Patuloy magpakailanman
Ang pag-ibig Mo'y maaasahan

Ano bang nagawa ko
Para maging karapat-dapat
Sa Iyong pagmamahal na
Walang katulad

Ano bang nagawa ko
Para maging karapat-dapat
Sa Iyong pagmamahal na
Walang katulad... oohhh
Walang katulad... ohhhh
Walang katulad
Walang... katulad



Credits
Writer(s): Cherise Katriel, Jungee Marcelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link