Ikaw (Original motion picture soundtrack)

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto, pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula nang matanto
Na balang araw iibig ang puso

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
Hmm, hey, hey, yeah, yeah

Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo
Ngumingiti nang kusa aking puso
'Pagkat nasagot na ang tanong
Nag-aalala noon
Kung may magmamahal sa 'kin ng tunay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

At hindi pa 'ko umibig nang gan'to
At nasa isip, makasama ka habang-buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

(Ikaw ang pag-ibig na hinintay)
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Oh, oh, pag-ibig ko'y ikaw



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link