Kahit Kailan

Nagtatanong ang isip, 'di raw maintindihan
Kung ano'ng nararamdaman
Dapat mong malaman, sa puso ko'y ikaw lamang
Ang nag-iisa

Pangangamba, dapat bang isipin?
Walang hanggan, asahan mo na

Kahit kailan, 'di kita iiwan
Kahit kailan, 'di kita pababayaan
Kahit kailan, kahit kailan

Bulong ng 'yong damdamin, pag-ibig na walang hanggan
Ang siyang nais mong makamtan
Ngayon ay narito ako, handang umibig sa iyo
Na walang katapusan

Pangangamba, dapat bang isipin?
Walang hanggan, asahan mo na

Kahit kailan, 'di kita iiwan
Kahit kailan, 'di kita pababayaan
Kahit kailan, kahit kailan

Kung ikaw ay mawala sa piling ko
'Di na alam kung kakayanin pa kayang umibig pang muli
Kahit na ano pa'ng mangyayari, 'di maaring ipagpalit
Sasamahan pa kita, sasamahan pa kita
Sasamahan pa kita hanggang sa huli

Kahit kailan, 'di kita iiwan
Kahit kailan, 'di kita pababayaan
Kahit kailan, 'di magbabago
Kahit kailan, kahit kailan



Credits
Writer(s): Jay Oliver Durias
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link