Sandigan (voice memo) [feat. EJ de Perio]

Gabing, unang narinig
Ang huni ng 'Yong tinig
May dalang magandang balita
Sagot sa lumbay at pangamba
Ay nandito na

Tanaw, ningning ng bituin
Ngayong Ikaw ay kapiling
Hatid mo ay kapayapaan sa aking pusong nasaktan
Ika'y dito na

Sa boses mo lang
Ako'y kakalma
Sa piling mo lang, sapat na
'Di na magtatanong

'Di ka nagkulang
O Hesus, Ikaw ang sandigan
Ikaw ang sandigan

Walang kung sino man
Ang makakanakaw ng ligaya na
Siyang nagbigay ng lubusan
Sagot sa lumbay at pangamba
Ay nandito na

Sa boses mo lang
Ako'y kakalma
Sa piling mo lang, sapat na
'Di na magtatanong
Hindi ka nagkulang
O Hesus, Ikaw ang sandigan (ohhh)

Ikaw ang sandigan, Ikaw ang kanlungan
Mapanghabambuhay, Ikaw ang una't huli, whoa

Sa boses mo lang
Ako'y kakalma
Sa piling mo lang, sapat na
'Di na magtatanong

'Di ka nagkulang
'Di na mag-iisa
O Hesus, Ikaw ang sandigan
Ikaw ang sandigan



Credits
Writer(s): Ephraim James De Perio, Jem Cubil, Keiko Necesario-cubil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link