Daluyong

Sa duyan ng pag-ibig ko, ipahinga ang puso mo
Kalimutan ang mundong kay gulo
Napagod na'ng damdamin mo, mga mali'y iwawasto
Isasandal ka sa unan ng dalangin ko

At kung 'di mapigil ang puso kong uhaw
Aaminin na lang na

Ikaw pa rin ang hanap ko, inaasam ng puso ko
Tuluyan nang magpapaanod sa daluyong ng pag-ibig mo
Lunurin ang sarili ko sa alon na dala nito
Ililigtas mo ba ako?

Halika na't damhin ang ihip ng hangin
Sabay tayong sumilip sa dating pagtingin

At kung 'di mapigil ang puso kong uhaw
Aaminin na lang na

Ikaw pa rin ang hanap ko, inaasam ng puso ko
Tuluyan nang magpapaanod sa daluyong ng pag-ibig mo
Lunurin ang sarili ko sa alon na dala nito
Ililigtas mo ba ako?

Ikaw pa rin ang hanap ko, inaasam ng puso ko (ikaw pa rin ang hanap ko)
Tuluyan nang magpapaanod sa daluyong ng pag-ibig mo
Lunurin ang sarili ko sa alon na dala nito (lunurin ang sarili ko)
Ililigtas mo ba ako?



Credits
Writer(s): Ernesto Maala Jr.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link