Bitaw

Ooh, whoa, whoa
Ooh

'Di ako manhid
Ramdam ko ang 'yong panlalamig
'Di umiimik
Ngunit ako'y hangal kung 'di ko batid

Na 'pag kahit ang simpleng bagay, pagmumulan ng away
'Di mo kailangang itago na nagsasawa ka na
(Kaya ngayon) malaya ka na

Kahit na ikaw ang laman ng puso
Handa 'kong bumitaw at ika'y isuko
Hindi ko na 'to pahahabain pa, bakit kakapit pa
Kung gusto mo nama'y iba?

Ako'y bibitaw (sige na, sige, sige, sige)
Ako'y bibitaw (sige na, sige, sige, sige)
Ako'y bibitaw (sige na, sige, sige, sige)
Ako'y bibitaw

Kung maririnig
Ikaw pa rin ang sigaw ng dibdib
Nando'n pa rin ang sakit
Nadarama t'wing puso'y pipintig

Kasi hindi 'to simpleng bagay, dapat na 'kong masanay
Sa bagong buhay, 'di tulad no'ng dating hawak kita
('Pagkat ngayon) malaya ka na

Kahit na ikaw ang laman ng puso
Handa 'kong bumitaw at ika'y isuko
Hindi ko na 'to pahahabain pa, bakit kakapit pa
Kung gusto mo nama'y iba?

(Ako'y bibitaw, sige na, sige, sige, sige) ako'y bibitaw
(Ako'y bibitaw, sige na, sige, sige, sige) ako'y bibitaw
(Ako'y bibitaw, sige na, sige, sige, sige) ako'y bibitaw
Ako'y bibitaw

Dapat masanay nang wala ka
Sa pagtulog ko sa gabi
At paggising sa umaga
Tanging unan na lang ang katabi
At 'di na magbabalik

Kahit na ikaw ang laman ng puso
Handa 'kong bumitaw at ika'y isuko (handa 'kong bumitaw, whoa-oh)
Hindi ko na 'to pahahabain pa, bakit kakapit pa ('di ko na, bakit pa?)
Kung gusto mo nama'y iba?

Ngayo'y naliligaw kung saan tutungo
Ang puso kong ikaw pa rin ang tinuturo (ikaw pa rin ang tinuturo)
Hindi ko na 'to pahahabain pa, palalayain ka (yeah, yeah)
Kakayanin kong mag-isa

Ako'y bibitaw (sige na, sige, sige, sige)
Ako'y bibitaw (sige na, sige, sige, sige)
Ako'y bibitaw (sige na, sige, sige, sige)
Ako'y bibitaw
Ako'y bibitaw



Credits
Writer(s): Teddy Katigbak, Thyro Alfaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link