Adlaw

Naaalala mo pa ba'ng unang araw
Nagtagpo ating mga mata?
Para bang nahihiya ang pusong may halong kaba
Gano'n pala 'pag nakita na

Ang bubuo sa buhay ko
Hindi ko inakalang
Hahantong 'to sa tayong dal'wa
Patungo sa pangakong sasamahan ka sa

Araw-araw, ikaw lamang
Ang siyang iibigin ko sa bawat paggising ko
Araw-araw, ikaw lamang
May hawak ng puso ko, pangakong sasamahan ka

Away at tampuhan ay 'di naging hadlang
Mas lalo lang kitang minamahal
Walang oras na hindi ka hinanap
Ikaw ang aking pangarap, yeah, oh, ikaw nga

Ang kabiyak ng puso ko, yeah
Hindi ko inakalang
Hahantong 'to sa tayong dal'wa
Patungo sa pangakong sasamahan ka sa

Araw-araw, ikaw lamang
Ang siyang iibigin ko sa bawat paggising ko
Araw-araw, ikaw lamang
May hawak ng puso ko, pangakong sasamahan ka

Lahat ay ibibigay
Tanging pagmamahal, sa 'yo lamang iaalay
Kaya wala nang hahanapin pa
Sasamahan ka sa habang-buhay

Na-na, na-na-na-na, na-na, na-na-na-na
Ooh, yeah

Araw-araw, ikaw lamang (ikaw lamang)
Ang siyang iibigin ko sa bawat paggising ko
Araw-araw, ikaw lamang (ikaw lamang)
May hawak ng puso ko, pangakong sasamahan ka

Araw-araw



Credits
Writer(s): Charles Rodriguez, Vasyl Javier Guevarra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link