Nawawala

O kay daming tanong sa isipan
Hindi alam ang mga kasagutan
Hindi ko maintindihan
Kung bakit nasasaktan

Wala akong makapitan
Lahat ako ay iniwan

Nawawala
Hindi ko makita ang daan,
Walang patutungahan
Nawawala
Hindi ko malaman kung saan ako pupunta
Ayoko nang mag-isa

Nandito sa gitna ng daan
Sa mundong bulag sa katotohanan
Walang ihip ang hangin, walang daloy at agos
Walang masasabayan, walang patutunguhan

Sa pagitan ng dalawa
Bibitiw ba o kakapit pa
Kakayanin pa ba?
Kaya pa ba?

Nawawala
Hindi ko makita ang daan
Walang patutungahan
Nawawala
Hindi ko malaman kung saan ako pupunta
Ayoko nang mag-isa

Susulong pa ba o susuko na ba?
Aatras o aabante
Sino ba ang magsasabi na
Sumulong ka pa o sumuko ka na
Aatras o aabante
Ako lang ang makapagsasabi

Nawawala (Susulong pa ba o susuko na ba?)
Hindi ko makita ang daan (Aatras o aabante)
Walang patutungahan (Sino ba ang magsasabi na)
Nawawala (Sumulong ka pa o sumuko ka na)
Hindi ko malaman kung saan ako pupunta. (Aatras o aabante)
Ayoko nang mag-isa



Credits
Writer(s): Francis Sumadchat
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link