Sinasamba Kita

Sinasamba Kita, Ama
Pagka't Ikaw ay dakila
'Di malirip, Panginoon
Walang hanggang pagpapala
Habag Mo ay nahahanda
Bagong araw, bagong awa
Ang kabutihan Mo'y magpawalang hanggan

Minsan sa aking damdamin
Mayro'ng biglang dumarating
Puso ko ay naninimdim ng dahil sa suliranin
Nguni't ito'y gumagaan
Kapag sa 'Yo'y nanalangin

Sa 'Yo Ama'y umaawit
Pagpupuri'y sinasambit
Lumuluwag itong dibdib, naiibsan itong sakit
Ng dahil sa 'Yong pagibig at paglingap na nakamit

Sinasamba Kita, Ama
Pagka't Ikaw ay dakila
'Di malirip, Panginoon
Walang hanggang pagpapala
Habag Mo ay nahahanda
Bagong araw, bagong awa
Ang kabutihan Mo'y magpawalang hanggan

Sinasamba Kita, Ama (sinasamba Kita, Ama)
Pagka't Ikaw ay dakila
'Di malirip, Panginoon
Walang hanggang pagpapala
Habag Mo ay nahahanda
Bagong araw, bagong awa
Ang kabutihan Mo'y magpawalang hanggan (magpawalang hanggan)

Habag Mo ay nahahanda
Bagong araw, bagong awa
Ang kabutihan Mo'y
Magpawalang hanggan
Walang hanggan



Credits
Writer(s): Daniel S. Razon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link