Himlayan

Panaginip nalang ba
Ang nakikita ng
Aking mga mata
'di ko mawari
Kung ano ang halaga
Nitong iniwan mong
Mga ala-ala

Sa malamig na gabi
Ilalim ng mga tala
Hindi maitangi
Ang bawat
Nadarama

Kaya't hihiga nalang muna
Rito sa aking kama
Pipikit mga mata
Baka sakali ay makita kung
Ano ang halaga
Ko ngayong wala ka na
Hahanapin ang sarili
Sa himlayan
Na siyang aking
Pahinga

Binibilang ang hakbang
Sa tuwing papalapit sayo
Nangangamba kase ako
Pagkat ang isip ko'y lito

Anong magagawa kung
Ang puso mo'y
Gusto ng lumayo
'di na ipipilit pa'ng sarili
Ngayong hindi na nga ako

Kaya't hihiga nalang muna
Rito sa aking kama
Pipikit mga mata
Baka sakali ay makita
Kung ano ang halaga
Ko ngayong wala ka na
Hahanapin ang sarili
Sa himlayan na s'yang aking
Pahinga

Hindi na hahanapin
Hindi na pipilitin
Napag tanto ko ng ika'y
Hindi para sa akin

Kaya't hihiga nalang muna
Rito sa aking kama
Pipikit mga mata
Baka sakali ay makita
Kung ano ang halaga
Ko ngayong wala ka na
Hahanapin ang sarili
Sa himlayan
Na siyang aking
Pahinga



Credits
Writer(s): June Ocampo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link