Habangbuhay

'Di ko inakalang darating pa ang tulad mo
Alam mo bang ilang beses nang nabigo
'Di na natuto
Pa'no mo napawi lahat ng sakit
Nang iyong mapansin
Isang ngiti mo lang sa 'kin ay
Tapos na ang lahat ng aking paghihintay
Ika'y aking panalangin
Pinipili ka habangbuhay

Tumitigil ang oras 'pag narito ka sa aking tabi
Sabay nating isayaw ang lamig ng gabi
'Wag nang magkubli
Pwede bang ulit-ulitin natin ito
Ikaw at ako
Isang ngiti mo lang sa 'kin ay
Tapos na ang lahat ng aking paghihintay

Ika'y aking panalangin
Pinipili ka habangbuhay
Ooh hoo ooh ooh
Isang tingin mo lang sa 'kin ay
Nagbago ang lahat
Hindi na mag-iisa
At 'di ko akalain na pipiliin mo
Sa habangbuhay ay ako



Credits
Writer(s): Patricia Cardoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link