Kulayan

Atin lamang na pagmasdan
Yun bituin don sa kalangitan
Kahit Madilim man ang gabi
Doon lang sa kinang ako maglilibang
Ikaw lang kase talaga yung pipili
Kung san bagay ka man mawiwili
Tandaan lahat tayo'y habilin lang
Kaalamang tama'y gamitin mundo ay Kulayan
Dami nga talagang mga tanong na Naglalaro sating isipan
Daming mga bagay sating tumutulak na makagawa ng mga kamalian
Lumilikot na ang mga isipan kayat Nakasagi ng hindi inaasahan
Pag tingin puso pala nalaglag nabasag
Pinulot ayan nasugatan
Merong saya at merong lungkot
Umulan o umaraw sadyang may kulog
Kaya naimbento ang plancha sa buhay Kasi parte talagang magkagusot
Hindi lang dapat bastang makinig
Matuto ka din dapat na magmasid
Balanse lang dapat lahat mga bagay
Para sarili mo ay mapabilib
Wag kana kasing magpilit
Di naman dapat lahat ay dapat mong Malaman
Kung para sayo ay mapait
Ang buhay yan ay iniisip mo lamang
Kasi hindi mo makikita ang reyalidad Ng buhay
Kung di mo sisilipin kung sino yung Mga tunay
Wag ka lamang na maumay kung Walang umaalalay
Dahil sayong pag kangalay jjan karin n
Naman titibay
Balang araw matatanaw wag kalang t
Titigil sayong pag galaw
Sa pagkaligaw jan magiging uhaw Liwanag sisikat kahit pahapyaw
Sa pangarap lang dapat magmatakaw Naipon na plano din ay sisingaw
Ay sisingaw
Atin lamang na pagmasdan
Yun bituin don sa kalangitan
Kahit Madilim man ang gabi
Doon lang sa kinang ako maglilibang
Ikaw lang kase talaga yung pipili
Kung san bagay ka man mawiwili
Tandaan lahat tayoay habilin lang
Kaalamang tama'y gamitin mundo ay Kulayan



Credits
Writer(s): Andrei Donic Ty
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link