Liham ni Mia

Kumusta na? Nawa'y maligaya
Huwag kang mag-alala, kalagayan ko'y maayos na
Naalala ko ang dati, kapeng mainit sa gabi
Sa lilim nang kalawakan mong nakangiti

At nais kong makitang muli
Ang mga tawa sa iyong mga pisngi
Paglalakbay ko man ay may hikbi
Nagbunga ang binhi

Mia, matagal na tayong 'di nagkikita
Miss na miss na nga kita
Ako'y masaya, naaaninag mo ay pag-asa
Darating din ang umaga

Damdamin ko sa 'yo'y aawitin
Bagong tayo dito sa mundo ay limutin
Salamat sa iyong pagtitimpi
Sa puso kong sawi

Ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh

Nandito na, nakapag-asawa
Sapul sa piling niya, aking mundo'y ibigin siya
Kumusta pala si Pepe? Pakisabing sa muli
Ang payo ko, ang buhay ay pagsisilbi

Sisikapin kong maging masaya
Dala-dala ko ang iyong alaala
Haharapin ko ang pangangamba
Hawak ay pag-asa

Mia, matagal na tayong 'di nagkikita
Miss na miss na nga kita
Ako'y masaya, naaaninag mo ay pag-asa
Darating din ang umaga

Tadhana'y 'di nagkakamali
Nang buhay natin ay kanyang tinahi
Pangarap ko kahit sa isang sandali
Makapiling kang muli

Ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh, ooh

Mia, matagal na tayong 'di nagkikita
Miss na miss na nga kita
Ako'y masaya, naaaninag mo ay pag-asa
Dumating din ang ligaya

Oh, aking Mia
Ooh, ooh, ooh



Credits
Writer(s): Marlon Dejadina
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link