Trapik

Kailan pa ba tayo nandito?
Bakit tila 'di nagbabago?
Lalong lumalala, 'di na nadala, napatulala
Ga'no kalayo pa nga ba?

Kahit masakit na sa ulo
'Di naman makapagreklamo
Kanan, kaliwa, sali-saliwa, walang magawa
Ga'no kalayo pa nga ba?

Ano na? 'Tang ina

Tatakbo, hihinto, 'di ko malaman sa 'yo
Bakit 'di na irekta kung 'di liliko?
Ang slow-mo ng mundo, nabuburat na ako
Hanggang kailan pa ba maghihintay sa 'yo?

'Di makababa kahit alam na ang galaw mo
Sasakay na lang, ano pa ba'ng magagawa ko?
Lintik ka, 'di na makabira
Ga'no kalayo pa nga ba?

Ano na? 'Tang ina

Tatakbo, hihinto, 'di ko malaman sa 'yo
Bakit 'di na irekta kung 'di liliko?
Ang slow-mo ng mundo, nabuburat na ako
Hanggang kailan pa ba maghihintay sa 'yo?

Naiwan ba ako?
'Di ko na matanto, puta, nalilito

Tatakbo, hihinto, 'di ko malaman sa 'yo
Bakit 'di na irekta kung 'di liliko?
Ang slow-mo ng mundo, nabuburat na ako
Hanggang kailan pa ba maghihintay?

Tatakbo, hihinto, 'di ko malaman sa 'yo
Bakit 'di nagbabala na ika'y liliko?
Tumakbo, nabunggo, dumilim ang mundo
Nandid'yan ka pa ba? Paalam na sa 'yo

Bakit pa kasi pinilit kahit alam natin na dapat pumihit na?
'Di na sana nagipit, 'di na sumabit, 'di na sana 'ko naipit pa
Bakit pa kasi pinilit kahit alam natin na dapat pumihit na?
'Di na sana nagipit, 'di na sumabit, 'di na sana 'ko naipit



Credits
Writer(s): Arvin Jay Martin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link