Kapag Wala Ka Na

Mababatid mo pa kaya
Ang lalim ng nadarama
Lungkot nitong ating paghihiwalay
Kailangan mong habulin pa minimithi mong adhika
Kapalit naman tayo'y magkawalay

Kapag wala ka na
Yayakapin ko na lang ang alaala
Babaunin ko'ng init ng yakap mo, sinta
Kapag wala ka na... wala ka na

Alalahanin mo, sa'n ka man pumaroon, ako'y naririto
Ga'no mang tagal, maghihintay pa rin sa'yo
Maaasahan mo, asahan mo
Kapag wala ka na

Sapat kaya ang halaga
Nitong paglisan mo, sinta
Iisipin ko'ng lahat kapag wala ka na
Ngunit kailangang magtiis
Sa dusa nati't hinagpis
At sa Maykapal na lamang iasa

Kapag wala ka na
Yayakapin ko na lang ang alaala
Babaunin ko'ng init ng yakap mo, sinta
Kapag wala ka na... wala ka na

Alalahanin mo, sa'n ka man pumaroon, ako'y naririto
Ga'no mang tagal, maghihintay pa rin sa'yo
Maaasahan mo, asahan mo

At dalangin ko
Sa 'yong pag-alis
Ikaw ay magtapat

Kapag wala ka na
Yayakapin ko na lang ang alaala
Babaunin ko'ng init ng yakap mo, sinta
Kapag wala ka na... wala ka na

Alalahanin mo, sa'n ka man pumaroon, ako'y naririto
Ga'no mang tagal maghihintay pa rin sa'yo
Maaasahan mo, asahan mo
Kapag wala ka na



Credits
Writer(s): Arnel De Pano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link