Kaba

'Di ko malaman ang nadarama
Sa tuwing ika'y aking nakikita
May kung ano sa damdamin
At abot-abot ang kaba

Sa araw-araw ay nagtataka
Ang puso kong ito, oh, bakit ba?
Ang kilos ko'y nababago
Na halos naandiyan ka na (anong kaba?)

'Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko ikaw ang aking panaginip
Oh, bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko? (Ng isip ko)

Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama? Anong kaba?

Paano mo kaya ako mapapansin?
Malaman mo kaya ang aking damdamin?
Ano ang dapat sabihin
Ng puso kong may pagtingin? Hmm, hmm

Sa araw-araw ay nagtataka
Ang puso kong ito, oh, bakit ba?
Ang kilos ko'y nababago
Na halos naandiyan ka na

'Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip
Oh, bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko?

Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama? Anong kaba?

Ah, oh
Ano'ng nadarama?

Sa araw-araw ay nagtataka
Ang puso kong ito, oh, bakit ba?
Ang kilos ko'y nababago
Na halos naandiyan ka na

'Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip
Oh, bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko? Ooh

Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama? Anong kaba?

'Di makatulog sa gabi, ooh-whoa, ooh-whoa
Sa diwa ko, sa isip ko
Ooh, ooh, oh, hey



Credits
Writer(s): Abdullah Ibrahim
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link