Para Sa Iyo

Nang makita ang yong mata
Di mapigilang
Matuwa
Nang hawakan mo ang aking kamay
Di mapigilang
Mangarap

Gusto kong lumayo
Para sa iyo
Titiisin ko itong pagod
Gusto kong lumayo
Para sa iyo
Titiisin ko itong lungkot

Palagi kong pinagmamasdan
Ang yong mga ngiti sa
Larawan
Palagi kong iniisip na
Maging maganda ang iyong
Kinabukasan

Gusto kong lumayo
Para sa iyo
Titiisin ko itong pagod
Gusto kong lumayo
Para sa iyo
Titiisin ko itong lungkot

Sa umaga gusto ko nang makita kang masaya
Damhin mo ang mga bagay na gusto mong matutunan
Di mawawala ang pagmamahal kahit ikay madapa man
Andito lang nakaagapay sa iyong mga pangarap



Credits
Writer(s): Jeremiah Mercado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link