Tablan

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan
'Pag nagpaulan sa hangin, ang bala'y sasagupain
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Sa malayong lalakarin, uubusin ang hinain
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan
Kahit na lutuin man ang laban at inyong lasunin
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Sige lang, magpaulan ('di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan ('di ako tinatablan)
Sige lang, magpaulan ('di ako tinatablan)
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Mabigat na buhat, luma na panulat
Bumabalik lagi sa sulat, kabisado sulat
Masukal na gubat, galos puro sugat (uh)
Pupunitin lagi kahit ga'no pa kakunat (yeah)

Sabay unat para 'di tablan, bakal ang nilalaman
Sugod lang, dami n'yong patira pero hangin lang
Puso at talino ang aking ginagalawan (uh, uh)
Kaya't ganyan, kahit anong patlang, ako ang lalamang

Yeah, ano man ang lumipas, ako ay 'di matitnag
Mananatiling matikas ang katawan at isipan
Nananaig ang liwanag sa kadiliman
Umabot man ako sa dulo ng walang hangganan
Mataas man ang hagdanan

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan
'Pag nagpaulan sa hangin, ang bala'y sasagupain
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Sa malayong lalakarin, uubusin ang hinain
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan
Kahit na lutuin man ang laban at inyong lasunin
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Sige lang, magpaulan ('di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan ('di ako tinatablan)
Sige lang, magpaulan ('di ako tinatablan)
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Bago ko pasukin ang larangan, nakilala ang kalaban
Ilang beses nadapa hanggang masukat ko ang tapang
Kumapal ang kalyo ng mga sugat sa bawat salang
Suot ang bawat galos at pinsala ng digmaan

Digmaan sa kanto, may mga atraso
Kailangang tingnan na parang kagat ng aso
May lamat na baso (uh), sa 'mi'y walang kaso (uh)
Mainit na tila pinabayaan na trangkaso

Eh, ang kaso may humarang pero 'di naman lalaban
At kahit may ibalang, lagpasan, walang atrasan
Kasi 'di n'yo lang alam ang aking mga dinaanan
Sige lang, subukan ang sapatos ko kung kaya n'yong lakaran

Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan
'Pag nagpaulan sa hangin, ang bala'y sasagupain
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Sa malayong lalakarin, uubusin ang hinain
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan
Kahit na lutuin man ang laban at inyong lasunin
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Sige lang, magpaulan ('di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan ('di ako tinatablan)
Sige lang, magpaulan ('di ako tinatablan)
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan

Ang dami-dami-dami-dami n'yong binibitawan
Lahat nanggaling sa ugaling puro talangkaan (yeah)
'Wag puro salitaan, lagyan mo ng galawan
Sa ganyang kilusan, baka ika'y masagasaan

Manibela, maniobra, 'pag hindi krus, 'yan ay kara
Dami nang lumalamon sa kusina, ba't 'di ka maghain sa sala?
Para, para may pwesto, 'wag laging imbento
Baka sa balita, ikaw ang makita sa mga ulat ni Calvento

Alam kong namang hindi madali, maranasan ginhawa man o sakit
Subukan mo nang hamunin ay hinding-hindi kayang patumbahin
Asintahin ang iyong hiling, mga pangarap, iyong abutin
'Wag kang matakot na lumusob sa giyera, nakahanda ka dapat saluhin

Nakahanda ka dapat salagin

Sige lang, magpaulan ('di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan ('di ako tinatablan)
Sige lang, magpaulan ('di ako tinatablan)
'Di ako tinatablan, 'di ako tinatablan



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco, Nicole Leonar, Paolo Toledo, Raymund Marasigan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link