Taguan

Hay nako, nako, nako
'Di ako nakikipaglaro
Oh bakit ka nagtatago?
'Di ako nagbibiro
Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang hanggang sampu
Oh sana narito ka na
Nang 'di na hinahanap-hanap ka pa

Nakasalubong na ba kita sa daan?
O 'di kaya ay nakausap nang panandalian
Maaari ring nakatabi sa marami-rami
Ko nang naupuan
Nais kitang mahagkan

Ngunit pa'no?
Wala ka pa rito

Hay nako, nako, nako
'Di ako nakikipaglaro
Oh bakit ka nagtatago?
'Di ako nagbibiro
Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang hanggang sampu
Oh sana narito ka na
Nang 'di na hinahanap-hanap ka pa

Paborito ko kaya ay paborito mo rin?
Parehas ba tayo ng mga mithiin?
Maaari rin namang hindi
Basta unti-unti kang kikilanin
Nais kitang maglambing

Ngunit pa'no?
Wala ka pa rito

Hay nako, nako, nako
'Di ako nakikipaglaro
Oh bakit ka nagtatago?
'Di ako nagbibiro
Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang hanggang sampu
Oh sana narito ka na
Nang 'di na hinahanap-hanap ka pa

Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Hangga't wala ka pa mundo'y may kadiliman
Wala bang palatandaan kung sa'n ka matatagpuan?
Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Hangga't wala ka pa mundo'y may kadiliman
Ikaw naman ang taya at 'di ka mahihirapan
Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Hangga't wala ka pa mundo'y may kadiliman
Wala bang palatandaan kung sa'n ka matatagpuan?
Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Hangga't wala ka pa mundo'y may kadiliman
Ikaw naman ang taya at 'di ka mahihirapan

Hanapin
Hanapin mo ako

Hay nako, nako, nako
'Di ako nakikipaglaro
Oh bakit ka nagtatago?
'Di ako nagbibiro
Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang hanggang sampu
Oh sana narito ka na
Nang 'di na hinahanap-hanap ka pa



Credits
Writer(s): Kyle Anunciacion, Kyle Michael Anunciacion
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link