Pagpapahalaga

Gusto ko sana ikaw ang, (ikaw ang)
kapiling ko habang ako ay lumalaban
sa bawat araw na kailangan (kailangan)
dahil ikaw aking kailangan (kailangan)
gusto kong sabihin sayo Pa-salamat sa lahat
gusto kong sabihin sayo Pa-laging mag-iingat
pero pano ko sasabihin yon kung ngayo'y wala ka na
iniisip ko pagkagising ko na'san ka na kaya
sana ay nandito ka upang makita mo
kung pa'no ko lumaban sa lahat at sa mundo
alam kong gusto mo kong nakikita na gan'to
kaso kailangan ko parin ang isang katulad mo, laban

Pagpapa-papa-papahalaga (sa akin)
Papa, Papa, ikay mahalaga (sa akin)
Papa, Papa, papahalaga (sa akin)
Papa, Papa, ikay mahalaga (sa akin)

Ako'y nag papa, papa, salamat talaga
sa'yong pag-papalaki pinagmamalaki at iniidolo po kita
kaya di ko na alam kung sa panong paraan ba ako na dapat magsimula
para lang masuklian ang ipinaramdam mo saamin na pagpapahalaga
Meron lang akong isang hiling,
pwede ko bang hiramin ang mga sandaling ito
para gawin ang mga gusto kong sabihin para maiparating lahat sayo
kasi hindi na kita kaya na tapatin salamat sa mga
tinuro mo saakin na aking tatanawin na utang na loob
saan 'man makarating,
patawad na rin sa dami na pangarap mo
para sa akin na 'di ko kayang lahatin at tuparin.

Bilib ako sa pagiging magulang mo
kayamanan ko lahat ng natutunan ko
alam ko dugo at pawis ang puhunan mo
para lang mapalaki kami sa mundong to
binusog mo sa pangaral na itinatak mo
na maari kong gamitin sa hinaharap ko
alam ko na utang ko sayo lahat ng mga ito lalo na
pagpapahalaga pinalasap mo
MARAMI PONG SALAMAT!

Pagpapa-papa-papahalaga (sa akin)
Papa, Papa, ikay mahalaga (sa akin)
Papa, Papa, papahalaga (sa akin)
Papa, Papa, ikay mahalaga (sa akin)

Pagpapa-papa-papahalaga (sa akin)
Papa, Papa, ikay mahalaga (sa akin)
Papa, Papa, papahalaga (sa akin)
Papa, Papa, ikay mahalaga (sa akin)



Credits
Writer(s): Archie Dela Cruz, James Samonte, Mark Maglasang, John Roa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link