Marami Rami

Playboi getting sus

Yo, marami-rami na rin 'yung nangyari sa 'min
Mga lakad na kailangan muna manalangin
Buhay ay mahalaga, 'di dapat sayangin
Dami kong sinakripisyo, sana ay palarin
Tinigilan ko ang bisyo para may makain
Kita mo 'yung pagbabago sa mga galaw
Sabi nila sa 'kin dati, ako ay hilaw
Ngayon, tignan mo kung pa'no ako kuminang

Gusto nila dumikit, enerhiya ko, mabisa
Mga mannequin, mga walang pagkukusa
Magagaling lang na manimbang
Malambing 'yan, 'wag ka magpalinlang
Buhay, parang yin-yang, itim, puti ah
Doble-kara, hindi pwedeng puro pighati lang
Mag-isip-isip ka, 'wag kang magpadikta
Lalo na kung alam mo na tagilid ka, 'wag ka maghabol

Marami-rami na rin kung susumahin mo
'Yung pagtyat'yaga ko sa mga bumabato
Bago 'to makalipad, ginagapang ko
Dami kong inaral bago lumayo
Tumayo sa sarili kong paa, naglakbay kahit pa mag-isa
'Di nila dapat husgahan pa'no kinapa
Puro pagdapa ang nakikita ng mata
Tapos mangangalabit 'pag may resulta na

Kaya gabay ang mga pangyayari
Gabay sa 'yong dadaanan bago pa umani
Bago ko madali, sinipat ko nang marami
Bago ko mabago, sinubok ko 'yung "sakali"
Kung sakali man palarin mapasa'kin
Itong mga nasa isip, panalangin
Para sa inaambag at maparami
Para sa pamilya, sana ay mawari

Sa 'king pag-alis, ganapan na ang misyon
Salamat sa mga nakadama nang tinugon
Tinuon ko ang oras sa 'king pagdilig, plano ay nakakamit
Isip, puso ay dikit, kung magulo, hinga, pikit

Marami-rami na ring sa pangarap ay lumagari
Sinubok na ang letra na binibigkas ng labi
Dami kong paraan para ito ay madali
Sarili ang puhunan bago pa ito mabawi
'Yung akalang nalito, lagi daw lumiliko
Katigasan ng ulo, nahubog ng pagkabigo
Lakbay ko sa sarili ko, kailangan mabuo
Natuto na ngayon 'yung batang dati lang loko-loko

Mga sayang na panahon, hindi ko na mababawi
Dala ng kakulitan ng mali na nangyayari
Napag-isip-isip, ayaw ko na d'yan mamalagi
Malinis ang galaw, hindi na uli madadali (oh)

Uh, marami-rami na din mga nawala
Uh, dumagdag ay gano'n din sa paggagala
Uh, natutunan pumirmi habang abala
Uh, sa 'king dapat na gawin, walang pangamba
Nilakaran ko na lang maayos, dahan-dahan
Tadhana, 'di haharang, 'di kami kalaban
Kakampi't katunggali'y tila sarili lamang
Ngunit ang paalala'y dami d'yang sandalan

Mga kaibigan kong tinuring kapatid
Sa tamis din uuwi, pait ng sandali
Dama mo magwawagi bago pa magapi
Inuna na ang kailangan, 'di pa 'to huli
Dami parating, paiba-iba
Lito na sa susundin, ayaw makansela
Mga plano na maging ang amin, amin na
'Di 'to sabik sa pansin gaya ng iba, 'di ako sila

Marami-rami na rin mga isipin
Mga ayaw saluhin pero 'lang palag
Sino sa 'kin sasalo? Pupulot sa lapag
O kapag ako'y hinangin, tangayin papalayo
'Di na makita sa taas o kahit sa baba
Bata pa 'ko, marunong nang magpakumbaba
Turo sa 'kin ng ama kahit na pasaway
At suportado ng ina kong 'di mapalagay

At sa mga nawala, alam kong 'di nawala
Nakabantay lang sila sa aking paggagala
Pero daming nag-iba, 'di nakita ng mata
Kailangan lang tanggapin, damahin ng pandama
'Yoko lang din magdrama, basta alam mo na
Dami pang pwedeng mangyari, atupagin ko na lang
Baka sakaling matupad din 'tong mga dalang pangarap, sisikapin
Yeah, sarili ko'y hanapin



Credits
Writer(s): Dan Gerald Saribay, Genesis Lago, John Jeremy Ibig Ganzon, Lou Ashley G. Isidro, Paulo C. Manlod
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link