Kailan

Isang saglit, at isang saglit na naman na paulit-ulit ng tumatak sa aking isipan
Isip ng isip sa isang bagay na hindi ko mahagip
Pinipilit ang maliit sa malaki, hindi magtugma parang lupa at langit sa pagitan ng dagat at ulap
Kasing lawak ng karagatan ang nakikita ko para sa ating dalwa
Subalit parang hangin na aking nararamdaman ngunit hindi ko alam kung nasan na

Sa hindi mo makita ang ginagawa naten para sa isat-isa
Bulag nga ba o nagbubulagbulagan para masabing wala kang nadarama
Parang suntok sa buwan at halik sa hangin
Ang bawat mga tingin na lumulusaw sa aking damdamin

Ilang bulalakaw pa nga ba ang dapat bantayan
O mapadaan upang sa kahilingan ko ay mapakinggan
Ilang gamot pang patulog pa ang uubusin
Sa umaasang sana'y mapaginipan ka
At ilang buntong hininga pa ang dapat mangyari sa kakaisip na sana
Ang mahagip na nang iyong isipan ang aking nararamdaman na ako'y ganun din para sayo
Para kang isang bisyo na hindi ko kayang pigilin
Pinipilit kong layuan ka ngunit hinahanap-hanap ko pa rin

Sana isang araw magising ako sa katotohanan
Na hindi pwedeng magtugma ang tama sa mali at ang oo sa hindi
Para kang buwan at ako ang araw na kahit kailan ay hindi pwedeng magsabay
Mananatili na lamang akong isang magandang araw pagkatapos ng malakas na ulan

At sana sa araw na pwede na, sana pwede pa
Sana Pwede kagaya ng kape at asukal na perpektong kombinasyon kung tayo'y ipagsasama
Sana maging tubig ka at ako ang halaman
Maging bahaghari ka at magbigay ng kulay pagkatapos ng malakas na ulan
Kung kailan ay hindi ko alam
Hanggang lubusan ko nang naiintindihan na pwede pala
Kahit tayo lang ang may alam

Mahal kita



Credits
Writer(s): Angel Eom
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link