Liwanag At Kaligtasan

Ano'ng taglay na katangian ng tao
Upang siya'y alalahanin Mo at ibigin Mo
Kaligtasan na 'Yong kaloob ay aming natamo

Pagkarilag ng Iyong pangalan, O Diyos
Ikaw lamang ang Panginoon at manunubos
Labi ko'y magpupuri sa Iyo, buhat sa 'king puso

Liwanag Ka't kaligtasan ng buhay ko
Payapa ang aking buhay dahil sa Iyo
Walang magagawa ang sino mang tao
'Pagkat Ikaw, Hesus, ang Siyang kasama ko

Kahit ako'y iwanan ng buong mundo
Ako ay hindi na muling manlulumo
'Pagkat katiyakan ay nasa puso ko
Liwanag Ka't kaligtasan ng buhay ko

Liwanag at kaligtasan
Buhay na may kapayapaan
Mula kay Kristo, nagmahal
Sa tao ay ibinibigay
Yo! sa 'yo
Para sa 'yo

Tinanggap ko, naranasan ko
Tanggapin mo rin
Mararanasan mo rin
Kung buhay mo ngayon ay nasa dilim
Kay Kristo Hesus
Liwanag ay darating

Pagkarilag ng Iyong pangalan, O Diyos
Ikaw lamang ang Panginoon at manunubos
Labi ko'y magpupuri sa Iyo, buhat sa 'king puso

Liwanag Ka't kaligtasan ng buhay ko
Payapa ang aking buhay dahil sa Iyo
Walang magagawa ang sino mang tao
'Pagkat Ikaw, Hesus, ang Siyang kasama ko

Kahit ako'y iwanan ng buong mundo
Ako ay hindi na muling manlulumo
'Pagkat katiyakan ay nasa puso ko
Liwanag Ka't kaligtasan ng buhay ko

Liwanag Ka't kaligtasan ng buhay ko
Payapa ang aking buhay dahil sa Iyo
Walang magagawa ang sino mang tao
'Pagkat Ikaw, Hesus, ang Siyang kasama ko

Kahit ako'y iwanan ng buong mundo
Ako ay hindi na muling manlulumo
'Pagkat katiyakan ay nasa puso ko
Liwanag Ka't kaligtasan ng buhay ko



Credits
Writer(s): Dodie Sta. Rita
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link