Gaano Kadalas Ang Minsan

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan?
Sindalas na rin ng dami ng bituing waring walang-hanggan
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman
Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan

Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sa 'ki'y sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan
Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba?

Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasingdalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?

Dahil ang pag-ibig, kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasingdalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?

Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link