Kung di Man

Kung hindi naman ikaw
Palayain na ang pusong sumisigaw ng tulong
Pagkat ako'y naliligaw
At nalilito
Kung hindi naman ikaw
Palayain mo na ako

Matagal-tagal na rin
Tayong 'di nagkita
Pero ba't ka bumabalik
Tuwing nakikita akong masaya

'Wag ka nang makipaglaro
Sa agos ng tadhana
At sa pusong nag-aabang
At babalik at babalik sa'yo

Kaya sabihan mo na kung
Ika'y mananatili
Para malaman ko na kung
Pwede nang magmahal ng iba

Kung hindi naman ikaw
Palayain na ang pusong sumisigaw ng tulong
Pagkat ako'y naliligaw
At nalilito
Kung hindi naman ikaw
Palayain mo na ako

Ah
Ah
Ah

Ah
Ah
Ah
Ah

Susuko na kung hindi naman ikaw
Susuko na kung hindi naman ikaw
Susuko na kung hindi naman ikaw
Susuko na kung hindi naman ikaw



Credits
Writer(s): Renee Pionso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link