Nandito Ako

Bawat umaga, pag-asay inaasam
Sikat ng araw ang iyong katapatan
Bawat hamon kasama Ka sa pag-ahon
Sa isang tinig sama-samang babangon

Kumapit ka
(Nandito lang ako)
Manalig ka
(Kasama mo ako)

(Pangako Niya)
Hindi kita iiwan Hinding hindi pababayaan
Aking kang sasamahan aalalayan
Huwag kang matakot
Nandito ako
Pumanatag
Pumayapa
Puso'y bigyan hinahon

Sumapit ang gabi nariyan Ka s'aking tabi
Liwanag mo ang gabay Iingatan Sayong kamay
Bisig Moy tanggulan katapatan Mo'y kanlungan
Sayong pangako payapang hihimlay

Kumapit ka
(Nandito lang ako)
Tumawag ka
(Nakikinig ako)

(Pangako Niya)
Hindi kita iiwan Hinding hindi pababayaan
Aking kang sasamahan aalalayan
Huwag kang matakot
Nandito ako
Pumanatag
Pumayapa
Puso'y bigyan hinahon

(Ang sabi Niya)
Hindi kita iiwan Hinding hindi pababayaan
Aking kang sasamahan, aalalayan
Huwag kang matakot
Nandito ako
Pumanatag
Pumayapa
Puso'y bigyan hinahon

Nandito ako
Kasama mo ako
Nandito ako
Kasama mo ako

Sa masukal na lansangan
At makipot na daanan
Abot-palad Mong hawakan
At hindi Mo bibitawan ang aking kamay
Tunay na aking taglay sa bawat pagsubok ng buhay
Ikaw ang siyang gabay

Subalit parang pasakit bakit ang layo ng langit?
Humahakbang palayo pero patakbo lumalapit
Banayad sa pagkagalit, sagana sa kagandahan
Sa loob ng walang hapis ikaw lang ang kaligtasan

Ngayon tumingala ka sa tanikala na
Bahid ng dungis, ng puot upang makawala ka
Mayroon sigaw ng damdamin na bumubulong sa'yo
Huwag kang matakot, Anak dahil kasama mo Ako
Ngayon kasama mo Siya, siya pumanatag ka na
Na pumapaya ang puso mo na walang pangamba
Kaya bago pa matapos sumalungat sa agos,
At sa kamalwa sa'king kadenang nakagapos

Maraming beses nang nagtatanong
kung nasaan ka nga ba
Sa panahong tila mahirap ay tila nawawala ka
Ni hindi ka mahagilap o hindi ka makasama
Parang di mo na ako naalala

Kung kailan ang buhay parang hindi ko na maintindihan
Ay tila mga problema sakin ay nadagan,
Nakapasan na para bang hindi ka na maramdaman
Ang tanong ng karamihan, karaniwa'y nasaan?

Nasaan Ka ng sa panahong kami'y nahihirapan?
Nasaan Ka nung lahat kami'y hindi maliwanagan?
Nasaan Ka nung kami'y inalipin ng karamdaman?
Nasaan Ka kapag nakagawa kami ng kasalanan?

Ang lahat ng nasaan, lahat ng karanasan
Ay pinatunayan Mong gabay lang saming daan
Dahil kung minsan ang lahat ng 'to ay dapat lang mangyari
Para ipaalalang nariyan Ka lang palagi, at ang nagsabi

(Pangako Niya)
Hindi kita iiwan, Hinding hindi pababayaan
Aking kang sasamahan, aalalayan
Huwag kang matakot,
Nandito ako
Pumanatag
Pumayapa
Pusoy bigyan hinahon

Pumatag pumayapa nandito ako
Pumatag pumayapa kasama mo ako
Pumatag pumayapa nakikinig ako
Pumanatag
Pumayapa
Pusoy bigyan hinahon



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link