Hintay

Teka lang muna
Ayokong magmadali

Hinay lang muna
Tayo dito sa tabi

Magdahan-dahan
Bigyang oras, mga ngiti

Ating daanan
Ang bawat sandali

Kinakabahan na baka iwanan mo
Kung kailan nahulog na sa 'yo

Pwede bang pakihintay ang puso ko
Na sasabay rin sa pag-amin ng damdamin mo?
'Wag namang magmadali, 'wag rin sanang mainip
Sa paghihintay sa tumatakbo ko nang puso
Dahil ayokong madaliin, pag-ibig na maaaring
Huling maging pag-ibig ko

Maniniwala ka ba
Kung sasabihin ko

Tanging sa 'yo lang
Napaibig nang gan'to
Ooh-whoa, ooh-whoa, ooh-whoa, hmm

Kinakabahan na baka iwanan mo
Kung kailan nahulog na sa 'yo

Pwede bang pakihintay ang puso ko
Na sasabay rin sa pag-amin ng damdamin mo?
'Wag namang magmadali, 'wag rin sanang mainip
Sa paghihintay sa tumatakbo ko nang puso
Dahil ayokong madaliin, pag-ibig na maaaring
Huling maging pag-ibig ko

Pa-ra-ra, pa-ra, pa-ra-ra-ra-ra-ra-ra-ra-ra
Pa-ra, hmm-mmm

Dahil ayokong madaliin, pag-ibig na maaaring
Huling maging pag-ibig, pag-ibig ko



Credits
Writer(s): Rina Mercado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link