Una

Naninibago at nangangapa
Hindi ko alam paano magsimula
Ikot ng buhay ay mahiwaga
Sa alon sumabay ako ang bahala

Nakakalula, nakakasilaw, unti-unting dumidilat
Pag nadinig ka, ako'y nagugulat
Lulunurin ko kayo sa aking sigaw
Hindi umayaw, hindi aayaw, ako'y bibitaw

'Di ko pa alam saan pupunta
Madilim ang daan pero di nag iisa
Di ko na alam sinong nagbibilang
'Wala pang tatlo, biglang lumisan

Nakakalula, nakakasilaw, unti-unting namumulat
Pag nadinig ka, ako'y nagugulat
Lulunurin ko kayo sa aking sigaw
Hindi umayaw, hindi aayaw, ako'y bibitaw

Parang bata, sa unang hakbang, mag-aalangan
Madadapa, iiyak, magpapahid ng luha

Parang bata, sa unang hakbang, mag-aalangan
Madadapa, iiyak, magpapahid ng luha

Parang batang nagugutom. lang pakialam
Magiingay, sisigaw, pangarap ay umaapaw

Parang batang nagugutom. lang pakialam
Magiingay, sisigaw, pangarap ay umaapaw



Credits
Writer(s): Sushi Frequency
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link