Itatawid Sa Landas

Sa bawat dahon ng aklat ng buhay
Bakas ang luha na tumatangay
Inaanod ang pag-asa, unti-unting nawawala
Haligi ng munting daigdig ko

Minsa'y nanlalamig na rin ang araw
Ihip ng hangin ma'y giniginaw
Nanlulumo, nalulumbay, hanap ay isang gabay
Sa piling Mo'y hindi mabibigo

Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong manlalamig
Kahit na humayo sa daang magkabila'y bangin
Ikaw pa rin, Oh Diyos, Ikaw pa rin

Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas
Kalinga Mo, Oh Diyos, ang siyang magbibigay-lakas
Sa anumang panganib, ginintuan ang 'Yong pagliligtas
Panatag nga't tiyak, itatawid Mo sa landas

Kung sa tadhana'y 'di nais ang guhit
Pawang sagabal ang sinasapit
Ikaw ang Siyang tatawagan, saro ko'y aapawan
Ng pag-asang kailanma'y dulot Mo

Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong manlalamig
Kahit na humayo sa daang magkabila'y bangin
Ikaw pa rin, Oh Diyos, Ikaw pa rin

Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas
Kalinga Mo, Oh Diyos, ang siyang magbibigay-lakas
Sa anumang panganib, ginintuan ang 'Yong pagliligtas
Panatag nga't tiyak, itatawid Mo sa landas

Itatawid, ililigtas
Ihahatid hanggang wakas (hanggang wakas)

Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong manlalamig
Kahit na humayo sa daang magkabila'y bangin
Ikaw pa rin, Oh Diyos, Ikaw pa rin (Ikaw pa rin, oh, aking Diyos)

Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas
Kalinga Mo, Oh Diyos, ang siyang magbibigay-lakas
Sa anumang panganib, ginintuan ang 'Yong pagliligtas
Panatag nga't tiyak, itatawid Mo sa landas

Itatawid Mo sa landas



Credits
Writer(s): N. Arnel De Pano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link