Kamukha

Bakit ganun ang nadarama
Sa tuwing ika'y nakikita
Parang lahat ng nilimot na
Ay aking naaalala

Kahit ilang ulit ko pang sabihing
Ika'y wala na sa akin
Pag nakikita ka ngayon
Parang nasasaktan pa rin

Bakit ganun nang makita ka
Na may ibang kasama
Parang tumigil ang aking mundo
Ako'y natulala

Kahit na kay tagal na natin na
Hindi na magkapiling
Ngayon na kasama mo na siya
Parang naiinggit pa rin

Iniisip tuloy kung ano ang meron siya
Ano bang kaya nya na hindi ko magawa
San ba nagkulang at san ba ako sumobra
Sabi nga sa isang kanta ako ay naiinis na

Bakit ganun paglapit ko sa yo
Bigla akong natawa
Di ko mapigil ang sariling
Humagikgik ng magisa

Parang lahat ng lungkot ko'y napawi
Bigla akong natawa
Ang inakala kong ikaw
Ay hindi naman pala

Kamukha lang pala
Kumukha mo lang siya
Kamukha lang pala
Kumukha mo lang siya
Kamukha lang pala
Kumukha mo lang siya
Kamukha lang pala
Kumukha mo lang siya
Kamukha lang pala



Credits
Writer(s): Orchideo Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link