Kalapati

Sa bunga mo ba makikita
Ang halaga ng puno ng narra?
Sa kulay mo ba mahahanap
Ang halimuyak ng sampaguita?

At 'di ba't ibon pa rin naman ang kalapating nawawalan
Ng pakpak, 'di makalipad sa kalangitan?
'Wag hanapin ang pagkukulang

Sana tatanggapin mo pa rin
Kahit walang maipagyayabang
'Wag mong limutin, dating sa atin
Sakaling 'di mo matanggap pinagmulan

Hindi sa takbo o paglipas
Dapat balutin ang sukat ng oras
Hindi mo naman masasabing
Bawat kabibe'y ang hawak ay perlas

'Di ba't ibon pa rin naman ang kalapating nawawalan
Ng pakpak, 'di makalipad sa kalangitan?
'Wag hanapin ang pagkukulang

Sana tatanggapin mo pa rin
Kahit walang maipagyayabang
'Wag mong limutin, dating sa atin
Sakaling 'di mo matanggap pinagmulan

Sabay ng pagsikat sa tila balikat
Ng ating mundong tayo'y inililipat
Patungo sa bukas, saglit kung lumipas
Pagkakamali'y hahanapan ng lunas

Sabay ng pagsikat sa tila balikat
Ng ating mundong tayo'y inililipat
Patungo sa bukas, saglit kung lumipas
Pagkakamali'y hahanapan ng lunas

'Wag nang hanapin ang pagkukulang

Sana tatanggapin mo pa rin
'Pag 'yong malaman ang pinagmulan
'Wag kalimutan, pinagdaanan
Sakaling 'di mo matanggap



Credits
Writer(s): Jarlo Bâse
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link