Bawal Ang Malisya

Loko-loko lang kasi no'ng una
May papel-papel pang nalalaman
Bawal daw mahulog sa isa't isa
Malalim na tinginan ay 'di uubra

Iisa lang daw ang dapat pakay
Hahayaan maglaro ang kamay
Maghaharutan lang sa araw at gabi
Pero pagkatapos ay hindi kami

Siya, bawal ang malisya sa 'ting dal'wa, baby
Tandaan mo, may pinirmahang kontrata
Sa kama lamang tayo puwede magkasama
Siya, sabi ng iba, maling-mali daw, baby
Depensa naman namin, ayaw ng seryoso
Parehas na umoong 'santabi ang puso

Sabi natin, bawal magkuwentuhan
Baka marating sa pagtanungan ng
Mga bagay na hindi naman parte
Ng ating plano na makipagkunwari

Pero puwede kang makipagusap
Kung sino man ang gusto mong lapitan
Dahil 'di pagmamay-ari ang isa't isa
Alam na natin 'yon kahit no'ng umpisa

Siya, bawal ang malisya sa 'ting dal'wa, baby
'Pag naglalambing, 'wag kang maniniwala
Parehas na tanggap ito'y isang pantasya
Siya, sabi ng iba, maling-mali daw, baby
Apat na buwan lang naman ang usapan
Pangakong pagkatapos ay walang prangkahan

Da-ra-rat, da-ra-rat, ey
Bawal ang malisya, baby
Da-ra-ra-ra-rat, ey
Da-ra-rat, da-ra-rat, ey
Bawal ang malisya, baby



Credits
Writer(s): Celine Laroza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link