Pansumandali

Sabi ni mama
Ang mga damdamin
Darating yan at aalis din

Sa susunod
Di na hahayaaan pa na sumunod
Sa kabig ng damdamin
Na hindi rin pala magtatagal
Bakit nga ba kay bilis sumugal?

Sabi ni mama
Ang mga damdamin
Darating yan at aalis din
Sabi na nga ba
Di ko pa mawari
Ang walang hanggan sa
Pansumandali

Pansumandali

Sa tamang panahon
Paulit ulit ko na sambit iyon noon
Ngunit di ko maiwasan na magtanong
Ano nga bang inaaasahang
Makikita doon?

Sabi ni mama
Ang mga damdamin
Darating yan at aalis din
Sabi na nga ba
Di ko pa mawari
Ang walang hanggan sa
Pansumandali
Pansumandali

Ano nga bang hinihintay
Na kukumpleto sa buhay?
Sino nga bang walang hanggan
At hindi lang panandalian?

Ang sabi ni mama
May isang Pagibig
Na dumating at nananatili
Ikaw ang pipililin at di ka lilisanin
Pang walang hanggan
At di pansumandali

Di pansumandali

Sino nga bang walang hanggan
At hindi lang panandalian



Credits
Writer(s): Shekinah Gram
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link