O, Kupido

Mayro'n akong nais sabihin
Ngunit walang pagkakataon
Tila may pumipigil sa 'kin
At nawawalan ng lakas-loob

Ano itong nararamdaman?
Sa tuwing ika'y namamasdan
Kumakabog ang aking dibdib
At mga labi ko ay nauumid

Natatahimik t'wing nakatitig
Sa ganda mong kaakit-akit

Oh, Kupido, mapaglaro
Ang puso ko'y tinamaan mo
Ako nga ba ang sadya mo?
Oh, tadhanang mapagbiro

Ha, tu-ru-tu
Tu-ru-tu-tu-tu, tu-ru-tu-tu-tu-ru

Ngunit ako ay umaasa
Sana iyo ring nadarama
Ang 'di ko masabi-sabi
Na minamahal na mahal kita

Minamahal na mahal kita
Anong ligaya ang nadarama

Oh, Kupido, magpaglaro
Ang puso ko'y tinamaan mo
Ako nga ba ang sadya mo?
Oh, tadhanang mapagbiro

Minamahal na mahal kita
Anong ligaya ang nadarama

Oh, Kupido, magpaglaro
Ang puso ko'y tinamaan mo
Ako nga ba ang sadya mo?
Oh, tadhanang mapagbiro

Oh, Kupido, magpaglaro
Ang puso ko'y tinamaan mo
Ako nga ba ang sadya mo?
Oh, tadhanang mapagbiro

Ha, tu-ru-tu
Tu-ru-tu-tu-tu, tu-ru-tu-tu-tu-ru
Ha, tu-ru-tu
Tu-ru-tu-tu-tu, tu-ru-tu-tu-tu



Credits
Writer(s): Noel Cabangon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link