Nandito Ako

'Di mo ba nakikita? Simula no'ng nagkakilala
Puso'y hindi mapakali

Bakit natataranta kapag ngumingiti ka?
Delikado na 'ata ako ngayon, dapat 'di na lang lumapit

Nandito ako kahit alam ko naman na 'di mo 'ko makikita
Nandito ako kahit alam ko naman na 'di dapat pang umasa
Walang kasiguraduhan ang pagkapanalo sa 'yo
'Di alam kung lalapit o lalayo

Sandali lang (sandali lang), mahina ang kalaban
Ba't naman ako pa ang napili ng mapaglarong tadhana?
'Di pa ba sapat na ako'y litong-lito
Kung iiwas ba o lalapit ba?

Nandito ako kahit alam ko naman na 'di mo 'ko makikita
Nandito ako kahit alam ko naman na 'di dapat pang umasa
Walang kasiguraduhan ang pagkapanalo sa 'yo
'Di alam kung lalapit o lalayo, whoa-oh

'Di alam kung lalapit o lalayo



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link