Makinig Ka

Di kita maintindihan kung ba't sarili mo'y pinipili mong saktan
Iniwan ka na diba ba't umaasa ka pa, Di ba uso sayo ang mag sawa

Wag mo ng sugalan pag pinatalo na
Di na binabalikan ang tao na sinuko ka
Marami naming iba yung mas mamahalin ka
Sinasayang mo lang ang oras mo sa kanya

Pwede bang ako na lamang ang iibig sayo
Andito naman ako laging nasa tabi mo
Makinig ka
Dika na mag iisa, di ka na luluha pa
Gusto kong malaman mong mahal kita

Kulang pa ba sakit na yong nadarama
Ilang alak pa ba wala kang kadala dala
Gabi gabi ka lasing kelan ka ba magigising
Ayaw na sayo yun ang totoo

Pwede bang ako na lamang ang iibig sayo
Andito naman ako laging nasa tabi mo
Makinig ka
Dika na mag iisa, di ka na luluha pa
Gusto kong malaman mong mahal kita

Paulit-ulit na lang nangyayari
Wala naman kasing dating sayo ang aking sinasabi
Hayaan mo na siya, Wag mo ng ipilit pa
Tanggaping mong di kayo para sa isa't isa

Pwede bang ako na lamang ang iibig sayo
Andito naman ako laging nasa tabi mo
Makinig ka
Dika na mag iisa, di ka na luluha pa
Gusto kong malaman mong mahal kita

Ooh Oooh, Makinig Ka
Ooh Oooh, Makinig Ka
Ooh Oooh, Makinig Ka
Makinig ka sakin kasi
Di ka na mag iisa di ka na luluha pa
Gusto kong malaman mong mahal kita



Credits
Writer(s): Gio Palomaria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link